z
  • Home

Young Writers Society


E - Everyone

Hindi Mamamatay (Draft 1)

by Kazumi


Hindi Mamamatay

A nice summary:

This guy lands into a mysterious world where lost things in the university go, and he's helped by a mysterious ghosty girl. After finally fulfilling all the conditions to leave the mysterious world, he refuses to leave. After a conversation with ghosty girl we realize his girlfriend left him after he uncovered an attempt by a rich student to cheat in the exams, so he doesn't want to return. Mysterious ghosty girl reveals that she was actually a communist insurgent in the Martial Law era and she was killed in the name of justice and that she wouldn't mind being killed like that. She tells him to lean on principles such as justice and human rights, because unlike people, principles like these don't die (hindi namamatay). Convinced, the guy decides to bid her goodbye and return to his world. Curtains.

Tauhan

Tomas — isang estudyanteng nag-aaral sa kolehiyo

Sadako — puro puti ang suot. Naka-palda.

Isang silid-aralan na puno ng mga samu’t saring kalat. Gabi na ang panahon, at ang liwanag ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw ng mga tauhan. Unti-unting liliwanag ang entablado.

SADAKO (VO):

Hello! Gising na! (papalakpak upang gisingin) Welcome to the Lost and Found Repository!

Dito napupunta ang lahat ng mga nawawalang bagay sa kolehiyong ito.

Titingin-tingin sina SADAKO at TOMAS sa mga bagay na nakalutaytay sa buong entablado.

Dito mo matatagpuan ang mga samu’t saring kung ano-ano na iniiwan ng mga mag-aaral dito. Mula diyaryo, notebook, ballpen, hanggang mga damit, pagkain, at cellphone--o kung ano pa man ang tawag niyo diyan.

Maiden’s secret ko ang aking tunay na pangalan. Pero kung pagbibigyan mo ako, tawagin mo na lang akong Sadako. Ewan ko, pero you could say that I identify with that name. (tatawa)

Oo, mayroong TV at DVD player dito sa mundong ito. Pero ngayon ay hindi panahon upang maglibang, dahil ng weird ng sitwasyon mong ito. Bihirang-bihirang-bihira lang ang mga kaso kung saan nakakatanggap ako ng tao. Hindi ko maipinta kung bakit napupunta pa rin kayo dito. Pero huwag kang mag-alala--may proseso tayo para makalabas ka rito. Alam kong lutang ka pa at kagigising mo pa lang, ngunit pakinggan mo ako nang mabuti, kasi baka makalimutan mo.

Una, dapat mahanap mo ang bagay na nawawala sa iyo. Sa aking apatnapung taon ng pamamahala dito, palaging may nawawalang bagay ang mga taong napupunta dito. Sa laki ng lugar na ito, ilang oras ata tayo maghahanap. Tiyak na makikilala natin ang isa’t isa sa panahong iyon.

Mukhang alam mo na kung ano ang bagay na iyon.

Mayroong pupulutin si Tomas na litrato sa sahig.

TOMAS:

Nakita ko na. (tahimik na magninilay habang tinititigan ang natagpuan) Ano ulit ang gagawin ko ngayon? (makikita na nawala siya) Hello? Asan ka?

SADAKO (VO):

Pangalawa, at ito ang pinakaimportante, kaya makinig ka--

SADAKO:

(biglang susulpot, may hawak na baril na nakatutok kay Tomas) Dapat lagyan mo ng bala ang ulo ko.

Ngingiti si Sadako nang parang pabiro, ngunit iaabot kay Tomas ang baril.

TOMAS:

(mabibighani) Ha?

SADAKO:

Oo, seryoso.

TOMAS:

Akala ko nagbibiro ka kanina? Tumawa ka kasi noong sinabi mo ‘yun.

SADAKO:

I wish nagbiro din ako noon, pero mukhang hindi nakikitawa ang mundo. Kailangan mong gawin ito. (itutulak ang baril sa kanyang kamay)

TOMAS:

Hi-hindi ko ‘yan magagawa!

SADAKO:

Bakit? Takot ka ba sa baril?

TOMAS:

Basta… hindi lang ako komportable sa paggawa niyan.

SADAKO:

Hay. Heto, tutulungan kita. Tatalikod na ako. That way, hindi mo ako makikita, at kung takot ka pa rin, puwede ka pang pumikit. Kulang na lang ang hilahin mo yung trigger ng baril, at matatapos na ang lahat. (ilalagay ang baril sa kamay, at iaangat) Tara, itutok mo na.

Iaangat ni Tomas ang baril. Susubukang hilahin ang gatilyo nito. Ngunit hindi niya makakaya.

TOMAS:

Ayoko talaga.

SADAKO:

(magagalit, kukunin ang baril) Akin na nga iyan! (itututok ang baril kay Tomas) Tinutulungan na nga kita para makabalik ka na sa iyong mundo. Ako na ang nagkakandarapang tumulong sa iyo! Pero alam mo ba kung gaano kahirap ang tumulong sa batang nagmumukmok for eight straight hours, para lang hanapin ang hinahanap niya, only to find out na ayaw na niyang gawin ito sa bandang huli?

TOMAS:

(patlang.)

SADAKO:

Logically, wala ka nang ibang kailangang gawin kundi ito. Malayo na tayo sa lipunan, kaya walang moralidad. Sino ring makakasabing tao ako, at mamamatay ako kung mapunta sa akin ang bala? Samakatuwid, you have nothing else to lose here. Kaya bakit? May pinagdadaanan ka ba? Ayaw mo bang bumalik? Ano? Sagot!

Uupo si Tomas kahit na tinututukan siya. Hindi siya makasagot. Ibababa ni Sadako ang baril at maglalakad papalayo habang nagbubuntunghininga. Pupulot si Tomas ng isang piraso ng diyaryo sa sahig. Babasahin ito.

TOMAS:

(pagkatapos ng pagbabasa) Ikaw ba ito?

SADAKO:

(pupuntahan si Tomas) “Activists of the Martial Law.” Oo nga ano, Setyembre na pala doon sa inyo.

Huy, ang ganda ko dito, ah!

Tititigan siya ni Tomas. Lalayo si Sadako, hawak-hawak ang diyaryo. Titingnan niya ang kanyang baril.

SADAKO

Itong .44 na to, ninakaw ko ito sa tatay ko nung nag-komunista ako. Ito nga rin yung pumatay sa akin nang nahuli ako sa bandang huli.

Iaangat ni SADAKO ang kanyang buhok at ipapakita ang butas sa kanyang ulo.

SADAKO:

Tatay ng ROTC officer namin ang nakahuli sa akin. Sabi sa ‘kin, “Nothing personal, miss. I was just ordered to do it.” Tse.

Kaya naglaro kami ng Russian Roulette nang may kasamang alak. Ako at ang mga tauhan niya. Hindi ako makainom. Paano ka ba makakainom nang maayos kung alam mong buhay mo na ang tinataya mo? Nanalo ako sa unang tatlong rounds. Nalugi sa ikaapat. Pero nung nalaman kong paparating na ang oras ko, hindi naman ako nagalit. At peace ako, kumbaga. Hindi man ako naniwala sa Diyos, pero kung nagkaroon ako ng isang libong buhay, malugod kong iaalay ang bawat isa sa ngalan ng hustisya at karapatang pantao.

She spins the barrel around, and around, until it clicks in place.

Ikaw? (bahagyang katahimikan) Para saan ka mamamatay?

TOMAS:

Para sa kanya.

SADAKO:

Huh? Sino?

Hindi sasagot si Tomas.

SADAKO:

Sabihin mo na. Bihira na akong makarinig ng love story dito sa mundong ito.

Hindi sasagot si Tomas.

SADAKO:

Anong ginawa mo?

Hindi sasagot si Tomas. Iniikot niya ang barrel ng revolver, habang hinihintay ang sagot niya.

TOMAS:

(buntonghininga) Bahala na. Wala naman ibang magagawa sa lugar na ito.

Ewan ko kung alam mo, pero may naganap na iskandalo sa kolehiyo. May nagbalak na mandaya sa board exam. Nakita ko yung palitan ng mga sagot sa likod ng simbahan isang linggo bago yung mismong exam. Natakot ako para sa aking sarili, kasi anak ng mayaman at tanyag na propesor ang nakita ko doon. Hindi ko malaman kung nakita nila ako. Pero narinig ko ang lahat. Kaya ibinulga ko sa paaralan. Hinding-hindi ko inasahan na mapupunta sa kainitan at sigawan nung humingi ng paliwanag sa amin yung mga administrador ng paaralan. Sa amin, as in yung anak ng pulitikong iyon at ang propesor. Lumabas nga rin sa balita yung insidente kasi anak siya ng kilalang konggresista. Pero sa kabila ng hirap, pinangako ko sa aking sarili na lalaban pa rin ako para sa kanya. Yung girlfriend ko, I mean.

Natapos nga ang interogasyon at pinaalis sa paaralan ang lahat ng mga sangkot, pati na rin yung anak ng konggresistang iyon. Pero pagkatapos, tinext ako ng aking girlfriend na ayaw na niya akong kausapin.

Hindi ko matawagan sa bahay. Hindi rin maabot sa kanyang Twitter o Instagram, at na-block din ako sa Facebook. Ah--isipin mo na parang advanced na beeper yung mga iyon. Wala rin kaming mutual na kaibigan na puwedeng magpadala ng mensahe sa kanya. Nagtaka ako sa kung ano’ng nangyari sa kanya. Dinukot ba siya? Binantaan ba siya na makipaghiwalay sa akin?

Ilang gabi na akong hindi nakatulog sa kaba. Pero ngayon ko lang nalaman na siya pala yung isa sa mga sangkot sa pandarayang iyon. Kaya ayun. Siguro nandito ako ngayon, kasi “lost” ako.

Mananahimik sila. Iikutin ni SADAKO ang barrel ng revolver ulit.

SADAKO:

Yung mga tao kasi… namamatay sila. They’re the worst place to put your hopes into. Sa panahon na mamatay sila, guguho ang lahat na pangarap na ipinatong mo sa kanila at mapupunta ka sa pagkawala.

Mag-move on ka na sa kanya, at mamatay ka na lang para sa ibang bagay. Tulad ng pagbagsak ng kapitalismo. (ngingiiti)

TOMAS:

Pero hindi ba imposible yung ganap na komunismo na pinangarap ni Marx? Mahirap ang nagkaroon ng absence ng mga hirarkiya sa lipunan habang naroroon pa rin ang gobyerno.

SADAKO:

Tama. Sa bagay. Natantuhan ko lang iyon habang nandito ako. Napakabobo ko pala sa pagsali ng kilusang iyon. Napapatunayang mali pala ang mga teoryang katha ng mga tao. Pero, karapatang pantao, hustisya, kalayaan. Ang mga bagay at prinsipyong iyon, hindi ata sila napapatunayang mali, at hindi ata sila mamamatay.

Yung sweetheart ko dati, namatay din sa paaralan niya. Pinaliguan ng semi-auto na rifle bago pinabanlaw sa tabing-ilog. Pero…

TOMAS:

Sige pa rin ang paglaban mo sa gobyerno.

SADAKO:

Tama.

TOMAS:

(bahagyang katahimikan) Hindi ko hiningi yung mga opinyon mo.

SADAKO:

Ah. Sorry na.

TOMAS:

Pero salamat sa pagsabi.

SADAKO:

Ah. So ano, handa ka na bang bumalik?

TOMAS:

Bigyan mo lang ako ng oras.

SADAKO:

Parang naging deus ex machina lang ako, ah.

TOMAS

Hindi naman. Hindi pa ata mawawala ang mga thesis papers ko, o yung init na nakukuha ko mula sa mga nandaya sa insidenteng iyon.

SADAKO

Tama naman. Pero para kanino ka mamamatay ngayon?

TOMAS

Hindi ko pa alam. Pero siguro, matutuklasan ko.

Siya nga pala, bakit ba kailangan kitang lagyan ng bala para makaalis? Wala bang ibang paraan?

SADAKO:

Ewan ko kung bakit. (ngingiti) Siguro ito yung munting purgatoryo ko. Kontra-Komunista ata ang Panginoon. Basta, ‘wag mo nang pag-isipan pa.

Hindi mo ba kukunin yung litrato] niya? I-claim mo na yung lost and found mo.

TOMAS:

Ayoko na.

SADAKO

Kasi mayroon ka nang ibang natagpuan, ano? (tatawa nang kaunti)

TOMAS

Haha. Sige. Paalam na. Salamat.

SADAKO

Yeah. Good luck sa inyo.

Hihilahin na ni Tomas ang gatilyo, ngunit ititigil niya ang sarili.

TOMAS:

Siya nga, mayroon ka bang sinabi bago ka pinatay?

SADAKO:

Oo, meron. Ang lupit ng mga salitang binitawan ko, para bang palabas.

TOMAS:

Anong sinabi mo?

SADAKO:

Tinitigan ko yung mama. Walang takot. At sinabi ko sa kanya, “Patayin mo man ang tao, hindi mamamatay ang dignidad niya.” Parang nanggaling siya sa pinakaloob-looban ko.

Ipaglaban mo iyan, ha?

TOMAS:

Oo. Hindi iyan mamamatay.

SADAKO:

Tama. Hindi namamatay ang prinsipyo.

Hihilahin ni Tomas ang gatilyo, at babagsak si Sadako. Mawawala ang ilaw ng mundo.

TELON.


Is this a review?


  

Comments



User avatar
411 Reviews

Points: 31370
Reviews: 411

Donate
Sun Jan 26, 2020 3:40 am
View Likes
keystrings wrote a review...



Heya! I am here to try to give you a quick review on this work. I, similar to Blue, do not speak Filipino, so I must apologize for this review being based on Google Translate, yet I do hope I can give you some feedback on at least the story and a few elements.

First off, there is some really interesting world-building here, just from the summary, and from the explanation that Sadako gives. This whole world makes me think of the “forgotten toys” island of sorts in one of the Christmas specials that are always on a television station. Except this time around of course, there isn’t meant to be a human.

There could quite possibly be a translation error because the summary does make me a bit confused as to the circumstances that Tomas had come here. A bit perplexing is the part of Tomas not wanting to leave, as it would seem someone would want to go back to their original world. I think it would be interesting to see more of the backstory of when Tomas first arrived to get more of his feelings.

From there, Sadako is an interesting character and I wonder why she is so determined to get Tomas to leave, that she would even risk her own life. A play format definitely muddles the thoughts of characters and trying to understand what people want to do, so it has its limits. Interesting!




User avatar
560 Reviews

Points: 31375
Reviews: 560

Donate
Sun Jan 26, 2020 3:39 am
View Likes
Atticus wrote a review...



Hey there Kazumi! I hesitated to review this since I don't speak Filipino and therefore would not be able to review to the level I usually strive for, but it's been sitting in the Green Room for a couple months now and I figured some feedback would be better than none. You're totally welcome to post stories in whatever language you wish, but unfortunately stories written in languages other than English often don't get a lot of reviews. That being said, I'll be reviewing based on the summary you left. Let's get into it!

I really like the way you tied in some deeper life lessons into this story. You used this as a way to convey some really important values, namely, justice and the importance of equal rights. That being said, on a deeper plot level I felt like there were some gaps. Granted, I was reading the summary and undoubtedly missed some things, but I felt as if you could have created a stronger plot point that prevented Tomas from returning to earth. If I had been in his shoes, I would have wanted to return and confront the person who had cheated. However, if there had been something more tragic and traumatic (like, the death of a loved one), it would have made more sense for Tomas to want to stay. Furthermore, I didn't fully understand why his girlfriend left him over this. It seemed as if those two plot points could have been better developed, in my opinion.

I think you did a great job creating an interesting character with the mysterious ghostly girl. She was a well-rounded and emotionally deep character who had clear motivations even though she was a secondary character. It made the story a lot more interesting and rich, and it was a great way for you to connect the main morals of your story.

I hope this review was helpful to you, and I apologize that I wasn't able to go super in-depth. I considered using some online translators, but figured that so much would get lost in translation I would provide you a better translation by working with what you wrote at the top. I'd encourage you to get in contact with some Filipino speakers to get a more thorough review of this.

Have a happy Review Day!

~Tuck




User avatar
1729 Reviews

Points: 92030
Reviews: 1729

Donate
Sun Jan 26, 2020 12:34 am
View Likes
BluesClues wrote a review...



Hi there!

I don't know Filipino, so I ran this through Google Translate - I know, not a great translation, but it's free and easily available.

If possible, I recommend connecting with another Filipino-speaker on the site prior to posting in the future so that you know you'll have reviewers who can read what you've posted! Alternatively, you could post an English translation alongside the original text. Because YWS is primarily an English site, it's hard for works in other languages to find reviewers. I think it helped at least a little bit that you did include a summary in English here!

Okay, onto the review. I apologize in advance for the quality, as I'm working off an auto-translation. Google Translate has improved in the last ten years, but...not that much.

I like the characters' premise that principles do not die though men do. It's an interesting set-up with the lost-and-found and Tomas being there - supposedly to find something, but as it turns out, because he's kind of lost himself.

On that note, I missed the part that's mentioned in the summary about Tomas not wanting to return to the real world because of the cheating debacle? It's possible it got lost in translation, but I got the rest of the play as summarized, so I don't think so. It was unclear to me in reading why Tomas didn't want to go back, or even that he didn't want to go back - it seemed more like he had to shoot either Sadako or himself (or both?) to go back, and he didn't want to. That's understandable. It just didn't match up with what you said in the summary, so if you intended to get across what you said in the summary, it's just something to be aware of.

Write on!

BluesClues




User avatar
91 Reviews

Points: 1937
Reviews: 91

Donate
Fri Oct 25, 2019 8:59 am
Kazumi says...



Perhaps by the time this gets out of the Green Room, it will say much about how far YWS has progressed. Perhaps the site has revitalized itself once more to the point that has attracted so many writers from different regions of the world that there are literally Filipinos (or Filipino speakers) interested in reading this and reviewing this.

A guy can hope, right?





'They are afraid of nothing,' I grumbled, watching their approach through the window. 'Together, they would brave Satan and all his legions.'
— Emily Bronte, Wuthering Heights