This is written in Filipino, need crtiques of Filipino and those who can understand the language
-----------------------------------------------------------------------------------------
Unang Kabanata
Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon.
Ika 23 ng Marso, 1993. Martes Mataas ang sikat ng araw at ramdam ko sa aking pisngi ang init na dulot niyon. Nakatayo ako sa gitna ng stage ng aming eskwelahan upang magdeliver ng speech. Ng kanyang speech ‘pagkat iyon ang araw ng aming pagtatapos.
Masaya ang pagtatapos dahil hudyat ito ng wakas ng isang kabanata ng buhay at pagsisimula ng panibago. Masaya dahil may mga bagong rason ang bawat isa upang gumising sa umaga at harapin ang buhay dahil ang bago ay naghahatid ng pag-asa—ng pagtanaw sa dako pa roon na hindi natin tiyak kung ano ang meron. Parang isang bagong pilas ng papel—malinis, walang bahid ng anumang marka na dulot ng lumang kabanata ng buhay, malayang sulatan. At kung minsan, ang simula na naghahatid ng ibayong pag-asa ang siya namang maghahatid din ng sanlaksang kalungkutan sa dakong huli. Kagaya na lang ng may tangan ng lapis. Sa umpisa, habang tinitngnan ang kalinisan ng papel, punung puno siya ng ideya kung anu ang kanyang mga isusulat o iguguhit sa papel. At habang isa-isa niyang isinasalin ang mga iyon, hindi maiiwasan ang magbura sa dako dito at sa banda roon hanggang sa unti unting dumumi ang sa una’y malinis na papel. Titingnan niya ito at matatantong hindi niya nagustuhan ang naging kinalabasan. Wala siyang ibang magagawa kundi ang maghintay ng panibagong papel na mapapasakanya.
Bata lamang ako. Hindi ko dapat naranasan ang mga naranasan ko nang mga panahong iyon. Hindi dapat ako ang nakatayo doon at magdedeliver ng speech. Hindi. Dapat siya. Siya na isang bata din ngunit gaya ko ay natikman ang matinding dagok ng buhay. At ang dagok na iyon ang naging dahilan kung bakit siya ay wala doon at ako, ako ang nakatayo sa platform upang i-deliver ang kanyang speech. Masaya sana ako nung mga panahong iyon habang naghihintay sa kanyang talumpati na ilang araw rin naming pinraktis sa ilalim ng mangga, na hayun at tanaw ko rin mula sa platform na kinatatayuan ko. Masaya sana ako.
Tiningnan ko ang kalawakan ng ground ng aming paaralan, ang Eleuterio Jose Memorial School mula sa platform na kinarororonan ko. At habang ginagaw ko iyon, sumagi sa aking isip ang anim na taong nagdaan, anim na taong ginugol ko sa paaralang iyon. Ang unang limang taon na nagaruga sa aking pagkabata at ang huling taon ang naghanda sa akin sa pagharap sa tunay na buhay.
“Sa ating minamahal na panauhing panadangal.”
Inumpisahan ko ang talumpati.
Ang panauhing panadangal, na punong puno ng sampaguita at salutasyon ay nanaitling nakatungo. Pinagmasdan ko siya. Bakas ang lungkot at panghihinayang sa kanyang mukha. Hindi noya alintana ang saludar na aking binigay.
Na magkasabay kaming tutuntong sa entablado upang tanggapin ang aming diploma
Natanaw ko ang maga mukha ng aking kamag-aaral—sasabihin ko sanang masaya sila pero hindi. Malungkot sila. Walang sinumang nakangiti. Apatnapung bata, dalawang seksyon. Ngunit nang mga sandaling iyon, isang pamilya na namimighati.
Natanaw ko mula sa aking kinaroroonana ang puno ng mangga kung saan madalas kami maupo sa lilim niyon at magkuwentuhan tungkol sa aming buhay. Napabuntung hininga ako.
Ang tumayo doon at i-deliver ang speech niya habang namimiss ko siya at nalulungkot dahil sa kanyan gpagkawala
